May kumakalat po ngayon na nagsasabing “Maharlika” daw ang tawag sa Pilipinas bago dumating ang Kastila.
Although appealing yung idea, hindi po ito totoo. Maharlika refers to an ancient class system, not our ancient name.
Wala pa pong idea ng Pilipinas as a nation bago dumating ang mga Kastila kaya wala pang pangalan.
Pero may bustling civilization na tayo in the form of independent kingdoms gaya ng Rajahnate of Cebu, Sultanate of Sulu, Sultanate of Manila.
Ayon sa Chinese text na “Sung Annals”, nakipag-trade sila sa isang civilization na tinawag nilang Ma-i/Ba-i. Dalawa po yung theory kung saan ito. Ang traditional view is that ito ang Mindoro, pero may competing theory from Bahay Tsinoy researchers na ito ay Ba-e ng Laguna dahil mas nagma-match yung cultural practices na tinukoy nila sa Sung Annals.
Pinauso po noong panahon ni Pangulong Marcos itong idea ng “Maharlika” as our pre-colonial name.
Huwag po sana ma-offend yung mga nag-share ng “Maharlika” thing. Gusto ko lang po maiwasto yung kaalaman ng mga tao.